Libertad | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||
![]() Estasyong Libertad | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | Kanto ng Abenida Taft at Abenida Arnaiz, Brgy. Santa Clara, Pasay | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||
Linya | Unang Linya ng LRT | ||||||||||
Plataporma | Mga plataporma sa gilid | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Nakaangat | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | LI | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Disyembre 1, 1984 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang Estasyong Libertad ng LRT (na kilala rin bilang Estasyong Antonio Arnaiz ng LRT, o sa payak na ngalan, Estasyong Arnaiz) ay isang estasyon sa Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRT-1). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Libertad. Matatagpuan ito sa kanto ng Abenida Taft at Abenida Arnaiz sa Lungsod ng Pasay. Ipinangalan ang estasyon mula sa dating pangalan ng bahaging Pasay ng Abenida Arnaiz, ang Calle Libertad. Ang pangalang Libertad naman ay mula sa salitang Kastila ng "kalayaan". Nanatili ang pangalang "Libertad" bilang pangalan ng pook na kinaroroonan ng estasyon.
Ito ay nagsisilbing pangwalong estasyon para sa mga tren na patungong Fernando Poe Jr., at ikalabingwalong estasyon para sa mga tren na patungong Dr. Santos.
Isa ang Libertad sa mga apat na estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod ng Pasay, ang iba pa ay Gil Puyat, EDSA at Baclaran.