Magallanes | |
---|---|
Manila MRT Line 3 | |
![]() Estasyong Magallanes | |
Pangkalahatang Impormasyon | |
Lokasyon | Panulukan ng EDSA at Abenida Chino Roces (Pasong Tamo) Magallanes, Makati |
Koordinato | 14°32′30.43″N 121°01′09.24″E / 14.5417861°N 121.0192333°E |
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon Metro Rail Transit Corporation |
Pinapatakbo ni/ng | Metro Rail Transit Corporation |
Linya | MRT-3 |
Plataporma | Gilid na batalan |
Riles | 2, 1 reserba (sa pagitan ng Estasyon ng Ayala at Magallanes) |
Koneksiyon | Paglipat sa Linyang Kahel sa pamamagitan ng paglakas sa Bulebar Epifanio Delos Santos papuntang Estasyong Daangbakal ng EDSA. |
Konstruksiyon | |
Uri ng estruktura | Nakataas |
Akses ng may kapansanan | Mayroon |
Ibang impormasyon | |
Kodigo | Ma |
Kasaysayan | |
Nagbukas | Hulyo 20, 2000 |
Ang Estasyong Magallanes o Himpilang Magallanes, ay isang estasyon sa Linyang Dilaw (MRT-3). Ang himpilan ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa Magallanes sa Makati at ipinangalan sa distrito ng Magallanes, kung saan nakaupo ang himpilan.
Nagsisilbi ito bilang pangalawang himpilan para sa mga treng MRT-3 na patungo sa Abenida North at bilang panlabing-dalawang himpilan para sa mga treng patungo sa Abenida Taft. Malapit ito sa SLEX/Skyway, isa sa mga mabilisang daanan ng bansa. Malapit din ito sa Estasyong daangbakal ng EDSA ng Pambansang Daangbakal ng Pilipinas.