Recto | |
---|---|
Manila MRT Line 2 | |
Pangkalahatang Impormasyon | |
Lokasyon | Abenida Recto Santa Cruz, Manila |
Koordinato | 14°36′12.59″N 120°59′00.25″E / 14.6034972°N 120.9834028°E |
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon |
Pinapatakbo ni/ng | Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila |
Linya | MRT-2 |
Plataporma | Gilid ng batalan |
Riles | 2 |
Koneksiyon | Paglipat sa Linyang Lunti sa pamamagitan ng taas na lakaran papuntang Estasyon ng Doroteo Jose. |
Konstruksiyon | |
Uri ng estruktura | Tulay (overpass) |
Akses ng may kapansanan | Mayroon |
Ibang impormasyon | |
Kodigo | Re |
Kasaysayan | |
Nagbukas | Oktubre 29, 2004 |
Ang Estasyon ng Recto o Himpilang Recto ay isang estasyon sa Linyang Bughaw (MRT-2). Ang himpilang Recto ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa Sta. Cruz sa Maynila at ipinangalan sa Abenida Recto, kung saan nakaupo ang himpilan. Ipinangalan naman ang abenida kay Claro M. Recto, isang sikat na politiko.
Ang himpilang Recto ay ang kanlurang hangganan ng MRT-2 kung saan nagwawakas ang ruta ng mga treng MRT-2 mula sa Antipolo. Ito rin ang unang himpilan para sa mga tren na patungong Antipolo.
Malapit ang himpilan sa Ospital na Pangalaala ng Fabella o Fabella Memorial Hospital at sa Kulungan ng Maynila (Kulungang Bilibid) kung saan itinatago ang mga kriminal sa Maynila.