Tayuman | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||
![]() Pahilagang LRT sa Estasyong Tayuman | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | 1921 Abenida Rizal pgt. Kalye Tayuman, Santa Cruz, Maynila 1014 | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||
Linya | LRT Line 1 | ||||||||||
Plataporma | Gilid ng plataporma | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Nakaangat | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | TA | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Mayo 12, 1985 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang Estasyong Tayuman ng LRT (Ingles: Tayuman LRT Station) ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Tayuman. Nagsisilbi para sa Sta. Cruz na nasa Maynila ang estasyon at matatagpuan sa kanto ng Abenidang Rizal at Kalye Tayuman. Ipinangalan ang estasyon mula sa Kalye Tayuman.
Nagsisilbi bilang pangwalong estasyon ang estasyong Tayuman para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Dr. Santos at panglabing-walong estasyon para sa mga treng patungo sa Fernando Poe Jr.. Isa rin ito sa limang estasyon ng LRT na naglilingkod sa distrito ng Santa Cruz, ang iba pa ay Blumentritt, Bambang, Doroteo Jose, at Carriedo.