R. Papa | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||
![]() Estasyong R. Papa | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | 3405 Karugtong ng Abenida Rizal pgt. Kalye Ricardo Papa, Brgy. Obrero, Tondo, Maynila 1013 | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||
Linya | Unang Linya ng LRT | ||||||||||
Plataporma | Mga plataporma sa gilid | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Nakaangat | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | RP | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Mayo 12, 1985 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang Estasyong R. Papa ng LRT ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong R. Papa. Nagsisilbi ang estasyon sa distrito ng Tondo at matatagpuan ito sa Karugtong ng Abenida Rizal sa Barangay Obrero, Tondo. Ito ang unang estasyon sa Karugtong ng Abenida Rizal pahilaga at ang huling estasyon sa lungsod ng Maynila bago makapasok ng Caloocan.
Nagsisilbi bilang pang-limang estasyon ang estasyong R. Papa para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Dr. Santos at pang-dalawamput-isang estasyon para sa mga treng patungo sa Fernando Poe Jr..
Ipinangalan ang estasyon mula sa Kalye Ricardo Papa, na ipinangalan naman mula kay Heneral Ricardo Papa, Sr., na puno ng pulisya ng Maynila noong dekada-1960.[1]