![]() Larawan ng Europa na nagpapakita ng tunay na kulay nito na sa pangkalahatan ay puti. Nasipat noong 29 Setyembre 2022 ng sasakyang pangkalawakan na Juno. | |||||||||
Pagkatuklas | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Natuklasan ni | Galileo Galilei Simon Marius | ||||||||
Natuklasan noong | 8 Enero 1610[1] | ||||||||
Designasyon | |||||||||
Bigkas | /jʊˈroʊpə/[2] | ||||||||
Ipinangalan kay | Ευρώπη Eurōpē | ||||||||
Pang-uri | Europano /jʊˈroʊpən/[3][4] | ||||||||
Orbital characteristics[7] | |||||||||
Epoch 8 Enero 2004 | |||||||||
Periapsis | 664862 km[a] | ||||||||
Apoapsis | 676938 km[b] | ||||||||
Mean orbit radius | 670900 km[5] | ||||||||
Eccentricity | 0.009[5] | ||||||||
Orbital period | 3.551181 d[5] | ||||||||
Average orbital speed | 13743.36 m/s[6] | ||||||||
Inclination | 0.470° (relatibo sa ekwador ng Hupiter) 1.791° (relatibo sa patag ng ekliptik)[5] | ||||||||
Pisikal na katangian | |||||||||
Mean radius | 1560.8±0.5 km (0.245 na mga Daigdig)[8] | ||||||||
Pang-ibabaw na sukat | 3.09×107 km2 (0.061 na mga Daigdig)[c] | ||||||||
Volume | 1.593×1010 km3 (0.015 na mga Daigdig)[d] | ||||||||
Mass | (4.799844±0.000013)×1022 kg (0.008 na mga Daigdig)[8] | ||||||||
Mean density | 3.013±0.005 g/cm3 (0.546 na mga Daigdig)[8] | ||||||||
Surface gravity | 1.314 m/s2 (0.134 g)[e] | ||||||||
Moment of inertia factor | 0.346±0.005[9] (estimate) | ||||||||
Escape velocity | 2.025 km/s[f] | ||||||||
Axial tilt | 0.1°[10] | ||||||||
Albedo | 0.67 ± 0.03[8] | ||||||||
| |||||||||
Apparent magnitude | 5.29 (oposisyon)[8] | ||||||||
Surface pressure | 0.1 µPa (10−12 bar)[11] | ||||||||
Ang Europa /jʊˈroʊpə/, o Jupiter II, ay ang pinakamaliit sa apat na buwang Galilean na umiinog sa planetang Hupiter. Ito rin ang ikaanim sa pinakamalaking buwan sa Sistemang Solar. Magkahiwalay at independiyenteng natuklas ito nina Simon Marius at Galileo Galilei[1] at ipinangalan ni Marius kay Europa, isang tauhan mula sa mitong Griyego.
Pangunahing binubuo ang Europa ng batong silica at yelo[12] at maaaring yari sa bakal at nikel ang kaibuturan nito. Mayroon lamang itong manipis na atmospera na pangunahing binubuo ng oksihino. Ang puti-mapusyaw na kayumangging kulay nito ay may mga gasgas, biyak, at serye ng malapulbos na mga linya subalit napakakaunti ng mga naiwang butas na ibinunga ng mga sumalpok na bulalakaw. Bukod pa sa mga obserbasyong sinasagawa ng mga teleskopyo sa daigdig, nasiyasat na ang Europa ng ilang mga sasakyang pangkalawakan mula pa noong dekada sitenta.
Ang Europa ay ang may pinakamakinis na anyo sa anumang solidong selestyal na bagay sa sistemang solar. Ang makinis at batang kutis nito ay nagbibigay kredensiya sa ipotesis na maaaring may dagat na nakakubli sa ilalim ng buwang ito na maaaring maglaman ng extraterrestrial na buhay[13]. Ang init na nagpapanatiling likido sa karagatang ito ay maaaring mula sa penomenong tidal flexing o dahan-dahang pagkakayupi ng buwan bunga ng mga pwersang balani na dinaranas nito mula sa hila ng Hupiter at kanugnog nitong mga buwan[14][15]. Tinutulak din ng naturang mga pwersa ang paggalaw ng biyak-biyak na niyebe sa ibabaw ng Europa katulad ng nangyayari sa penomenong tektonika ng plaka sa daigdig, kung kaya nagkakaroon ng paggalaw ng mga kimikal mula sa ibabaw nito patungo sa karagatan sa ilalim nito at vice versa.[14][15]
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2