![]() | |
![]() Tanaw ng Foro Humboldt sa muling itinayong Palasyo ng Berlin (2020) | |
Itinatag | 2020 |
---|---|
Lokasyon | Palasyo ng Berlin, Berlin, Alemanya |
Mga koordinado | 52°31′03″N 13°24′10″E / 52.51750°N 13.40278°E |
Uri | Museong pansining |
Mga Koleksyon | non-European art |
Direktor | Hartmut Dorgerloh |
Arkitekto | Franco Stella |
Pampublikong transportasyon | U: Museumsinsel (Padron:BLNMT-icon) |
Sityo | humboldtforum.org/en/ |
Ang Foro Humboldt o Humboldt Forum ay isang museo na nakatuon sa pantaong kasaysayan, sining, at kultura, na matatagpuan sa Palasyo ng Berlin sa Pulo ng mga Museo sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin. Ito ay bilang parangal sa mga iskolar ng Pusya na sina Wilhelm at Alexander von Humboldt. Itinuturing na "Aleman na katumbas" ng Museong Britaniko,[1] ang Humboldt Forum ay nagtataglay ng mga 'di-Europeong koleksiyon ng Mga Museong Estatal ng Berlin, pansamantalang mga eksibisyon at pampublikong pangyayari. Dahil sa pandemya ng COVID-19, binuksan ito nang dihital noong 16 Disyembre 2020 [2] at naging maaaring puntahan ng pangkalahatang publiko noong 20 Hulyo 2021.