Fovismo

Ang Fovismo ay ang istilo ng les Fauves (salitang Pranses para sa "ang mga mababangis na hayop"), isang malayang grupo ng mga modernong pintor noong dekada 1900 na ang mga trabaho at dibuho ay kakikitaan ng mga kalidad na pang dalawang dimensyong dibuho at malalakas at matitingkad na gamit ng kulay na hindi gaya sa mga representasyonal at realistikong karakter na hindi binitawan ng Impresiyonismo. Habang ang Fovismo bilang istilo ay nagsimula nang 1900 at nagpatuloy hanggang 1910, ang mismong kilusan ay tumagal lamang ng ilang taon, 1904-1908, at nagkaroon ng tatlong pagpapakita. Ang mga namuno ng Fovismo ay sina Henri Matisse at Andre Derain.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne