Ang fresco ay isang paraan ng pagpipinta sa miyural na isinasagawa sa kakapahid lang na ("basang") emplastong apog. Tubig ang ginagamit na behikulo para magsama-sama ang tuyong malapulbos na pangkulay at emplasto, at sa pagtuyo ng emplasto, nagiging mahalagang bahagi ng pader ang pinta. Ang salitang fresco (Italyano: affresco) ay nagmumula sa Italyanong pandiwa fresco na nangangahulugang "sariwa", at sa gayon ay maisasalungat sa sining ng fresco-secco o secco sa pagpipinta ng miyural, na ipinapahid sa emplastong tuyo, upang madagdagan ang pagpipintang fresco. Ginagamit na ang sining ng fresco mula pa noong sinaunang panahon at may malapit na kaugnayan sa pagpipinta sa Italyanong Renasimiyento.[1][2]