Si Friedrich Wilhelm Nietzsche (15 Oktubre 1844 – 25 Agosto 1900) ay isang lubos na maimpluwensiyang Aleman na pilosopo, sikologo, at pilologo. Isa siyang matinding kritiko ng Kristyanismo, Utilitarianismo, idealismong Aleman, romantisismong Aleman, at ng modernidad sa pangkalahatan. Minsang nakikilala si Nietzsche bilang isang Romantikong Pilosopiko, ngunit kanyang itinanggi ang mga tendensiyang Romantiko sa kanyang akda. Madalas siyang kinikilala bilang ang inspirasyon ng eksistensiyalismo at posmodernismo, bagaman may di-pagkakasang-ayong may kinalaman sa kung napakahulugan ba siya nang tama ng mga kilusang ito; si Martin Heidegger ang nakikita ng ilan bilang ang mas nakaimpluwensiya.
↑Meyer-Sickendiek, Burkhard, "Nietzsche's Aesthetic Solution to the Problem of Epigonism in the Nineteenth Century", ed. Paul Bishop, Nietzsche and Antiquity: His Reaction and Response to the Classical Tradition, Woodbridge, UK: Boydell & Brewer, 2004. p. 323
↑Jünger, Ernst (2011), "Part 2 Alain de Benoist", The Figure of The Worker Between the Gods & the Titans, blg. 4, inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-19, nakuha noong 2021-10-16{{citation}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
↑Kaufmann 1974, pp. 214–15. harv error: no target: CITEREFKaufmann1974 (help)