Fujiwara no Michinaga

Sa pangalang Hapones na ito, ang apelyido ay Fujiwara.
Wangis ni Fujiwara no Michinaga, na isang larawang iginuhit ni Kikuchi Yōsai (1781-1878).

Si Fujiwara no Michinaga (藤原 道長, 966 – Enero 3, 1028) ay isang Hapones na kumakatawan sa kasukdulan ng pagtaban o kontrol ng angkan ng mga Fujiwara sa pamahalaan ng Hapon noong kanilang kapanahunan. Ang kaniyang buong pangalan ay literal na may kahulugang "Michinaga ng Fujiwara" sapagkat ang salitang no sa wikang Hapon ay nangangahulugang "ng".[1]

  1. "A Note on Japanese Names and Dates", "The Diary of Lady Murasaki", isinalinwika at ipinakilala ni Richard Bowring, Penguin Classics, pahina x (New York: 1996 [orihinal] / 2005 [may mga pagtatama]).

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne