Funafuti | |
---|---|
![]() Maneapa at paliparan sa atol ng Funafuti, Tuvalu | |
![]() Larawang panghimpapawid ng atol ng Funafuti | |
Mga koordinado: 08°31′S 179°12′E / 8.517°S 179.200°E | |
Bansa | Tuvalu |
Lawak | |
• Kabuuan | 2.4 km2 (0.9 milya kuwadrado) |
Populasyon (2017) | |
• Kabuuan | 6,320 |
• Kapal | 2,600/km2 (6,800/milya kuwadrado) |
Kodigo ng ISO 3166 | TV-FUN |
Ang Funafuti ay isang atol at ang kabisera ng pulong bansa ng Tuvalu.[1][2] May populasyon ito na 6,320 na katao,[3] na ginagawa ito ang pinakamataong atol ng bansa, na may 60.15 bahagdan ng populasyon ng Tuvalu. Isa itong makitid na lawak ng lupa sa pagitan ng 20 at 400 metro (66 at 1,312 talampakan) na lawak, pumapalibot sa isang malaking lawa (Te Namo) na may 18 km (11 milya) ang haba at 14 km (9 milya) ang lawak. Ang katamtamang lalim ng lawa ng Funafuti ay mga 20 fathom (36.5 metro o 120 talampakan).[4] May isang kalatagan na may sukat na 275 kilometro kuw. (106.2 mi kuw.), ito ang pinakamalaking lawa sa Tuvalu. Ang pinagsamang sukat ng lupa ng 33 maliliit na pulo ay 2.4 kilometro kuw. (0.9 mi kuw.), mas maliit sa isang bahagdan ng kabuuang sukat ng atol.
Ang kabisera ng Tuvalu ay binibigyan minsan sa Fongafale o Vaiaku, ngunit ang buong atol ng Funafuti ang opisyal na kabisera[5] yayamang binubuo ito sa isang lokal na pamahalaan.