GTV | |
Uri | Free-to-air television network |
---|---|
Bansa | Philippines |
Umeere sa | Nationwide |
Sentro ng operasyon | GMA Network Center, EDSA cor. Timog Ave. Diliman, Quezon City, Philippines |
Pagpoprograma | |
Wika | Filipino English |
Anyo ng larawan | 480i SDTV |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Citynet Network Marketing and Productions Inc. |
Magulang | GMA Network Inc. |
Pangunahing tauhan |
|
Kasaysayan | |
Inilunsad | 22 Pebrero 2021 |
Dating pangalan | GMA News TV (2011–2021) |
Mga link | |
Websayt | gtv.ph |
Mapapanood | |
Pag-ere (panlupa) (terrestrial) | |
Analog UHF | Listings may vary |
Digital VHF/UHF | Listings may vary |
Ang GTV (Good Television) ay isang Pilipinong himpilang pantelebisyon na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Citynet Network Marketing and Productions Inc., isang sangay ng GMA Network Inc. Inilunsad ito noong Pebrero 22, 2021, na siyang naging kapalit ng GMA News TV sa punong istasyon nito, ang UHF Channel 27 Metro Manila at ang mga himpilan nito sa probinsya. [1] [2] [3] [4] [5] Ito ay pang-anim na pangkalahatang pangalawang tatak-himpilang pangtelebisyon ng GMA Network mula nang mabuo noong 1995 bilang Citynet Television. Ang himpilan ay gumagawa ng mga programa mula sa mga studio na matatagpuan sa GMA Network Center, EDSA corner Timog Avenue, Diliman, Lungsod Quezon. Ang pangunahing pasilidad ng himpilan ay matatagpuan sa isang bahagi ng GMA Tower of Power, Tandang Sora, Barangay Culiat, Lungsod Quezon at ito ay sumasahimpapawid tuwing Lunes hanggang Huwebes mula 5:30 am hanggang 12:15 am, Biyernes mula 5:30 am hanggang 11:45 ng gabi, at Sabado at Linggo mula 5:30 am hanggang 12:00 ng hatinggabi, habang umeere ito sa mas maikling oras sa panahon ng Paschal Triduum.