Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang Gabinete ng Pilipinas (tinatawag ring Gabinete) ay binubuo ng mga namumuno sa pinakamalaking bahagi ng sangay tagapagpaganap ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas. Sa ngayon, binubuo ito ng 20 kalihim ng kagawarang tagapagpaganap at ang iba pang mga pinuno ng mga ahensiya at tanggapan na sumasailalim sa Pangulo ng Pilipinas.
Ang mga kalihim ng Gabinete ay inaatasan payuhan ang Pangulo sa iba't ibang gawain ng estado gaya ng pagsasaka, pagbabadyet, pananalapi, edukasyon, at kagalingang panlipunan, pambansang tanggulan, ugnayang panlabas at iba pa.
Sila ay ninonomina ng Pangulo at inihaharap sa Komisyon ng Paghirang, isang sangay ng Kongreso ng Pilipinas na kumukumpirma sa lahat ng mga ininatalaga pinuno ng estado. Kung ang mga ito ay maitalaga, sila ay makatatanggap ng titulong kalihim, at magsisimulang gawin ang kanilang takdang gawa.