Gawad Palanca

Logo ng Gawad Carlos Palanca

Ang Gawad Pang-alaala kay Don Carlos Palanca para sa Panitikan o Gawad Palanca ay isang pinakabantog at pinakamatagal na gawad pampanitikan at binansagang "Gantimpalang Pulitzer" ng Pilipinas.[1] Ito ang pinakamataas na parangal sa panitikan ng bansa sa kataasan ng prestihiyo. Ang mga nagwagi ay kadalasang kasama sa kompetisyon bilang mga nauna nang nalathala o kaya naman nasa anyong manuskrito ito. Ang Gawad Palanca, na inorganisa ng Carlos Palanca Foundation, ay isa sa pinakamatagal na programa ng mga parangal sa Pilipinas. Ipinangalanan ito kay Carlos Palanca Sr.

Karaniwan, kung hindi lahat, sa mga mahalaga o pangunahing manunulat na Pilipino ay may isa o maraming Palanca sa kanilang bigkis. Sa mga iba, lalo na ang mga baguhang manunulat na kathang-isip o makata, ang pagkapanalo ng isang Palanca ay isang uri ng pagbibinyag ng apoy na isa ay nakatuntong sa pangkat ng pampanitikang Pilipino.

  1. Aguilar, Dheza Marie (2007-09-15). "Ang Ika-57 Gawad Carlos Palanca". Manila Standard. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-17. Nakuha noong 2008-02-23.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne