Giovanni Boccaccio

Giovanni Boccaccio
Kapanganakan1313 (Huliyano)[1]
  • (Kalakhang Lungsod ng Florencia, Toscana, Italya)
Kamatayan21 Disyembre 1375 (Huliyano)
LibinganChiesa dei Santi Jacopo e Filippo
Trabahomanunulat ng maikling kuwento, makatà, diplomata, tagasalin, biyograpo, manunulat

Si Giovanni Boccaccio Samsona (1313 – 21 Disyembre 1375)[2] ay isang Italyanong may-akda, makata, mahalagang humanista ng Renasimyento, at awtor ng isang bilang natatanging mga akdang katulad ng Decameron, On Famous Women ("Hinggil sa Tanyag na mga Kababaihan"), at ng kanyang panulaan sa Italyanong bernakular. Partikular na natatangi si Boccaccio[3] dahil sa kanyang diyalogo, na nilalarawang lumalampas sa bersimilitud ng kanyang mga kasabayan, dahil sila ay mga midyibal na manunulat ng panitikan at kadalasang sumusunod sa pormulaikong mga modelo para sa katangian, mga tauhan, at balangkas o takbo ng salaysay. Siya ang itinuturing na "Ama ng Italyanong panitikang tuluyan" o ng literaturang prosa.[3] Kaibigan at kalihaman ni Boccaccio si Francesco Petrarca

  1. https://www.bartleby.com/library/bios/index2.html.
  2. Bartlett, Kenneth R. (1992). The Civilization of the Italian Renaissance. Toronto: D.C. Heath & Company. ISBN 0-669-20900-7 (may malambot na pabalat), pahina 43–44.
  3. 3.0 3.1 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "Giovanni Boccaccio". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina vi at 327.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne