Si Giovanni Francesco " Gianfrancesco " Straparola, kilala rin bilang Zoan o Zuan Francesco Straparola da Caravaggio (ca. 1485?-1558),[1][2] ay isang Italyanong manunulat ng tula, at kolektor at manunulat ng maiikling kuwento.[3] Sa isang punto sa kaniyang buhay, lumipat siya mula Caravaggio patungong Venecia[4] kung saan naglathala siya ng isang koleksiyon ng mga kuwento sa dalawang tomo na tinatawag na Ang mga Palabirong Gabi o Ang mga Kaaya-ayang Gabi. Kasama sa koleksiyong ito ang ilan sa mga unang kilalang nakalimbag na bersiyon ng mga kuwentong bibit sa Europa, gaya ng pagkakakilala sa mga ito ngayon.[5][2][6]