Gironda

Ang kinalalagyan ng Gironda sa Pransiya.
Sagisag

Ang Gironda (Pranses at Ingles: Gironde) ay isang lalawigan (département) sa rehiyon ng Aquitania na nasa timog-kanlurang Pransiya.

Ang Gironda ay isa sa mga dating 83 lalawigan na nilikha noong Rebolusyong Pranses sa 4 Marso 1790. Nilikha ito mula sa mga bahagi ng mga naunang lalawigan ng Guyena at Gascuña. Mula 1793 hanggang 1795, ang pangalan ng lalawigan ay binago bilang Bec-d'Ambès upang maiwasan ang koneksiyon ng pangalan nito sa rebeldeng partidong nakikilala bilang ang mga Girondino.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne