City of Glasgow | ||
---|---|---|
Lungsod at council area | ||
From taas, kaliwa tungo kanan: The River Clyde, George Square, Glasgow Cross, the Glasgow Royal Concert Hall, The Glasgow Tower, pinakamataas na struktura sa Eskosya, the SSE Hydro and SEC Armadillo,Skyline of Glasgow City, Cineworld Glasgow, pinakamatangkad na sine sa Eskosya | ||
| ||
Mga palayaw: "Glesca/Glesga", "The Dear Green Place", "Baile Mòr nan Gàidheal"[2] | ||
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 526: Unable to find the specified location map definition: "Module:Location map/data/UK Scotland" does not exist. | ||
Mga koordinado: 55°51′39″N 4°15′05″W / 55.860916°N 4.251433°W | ||
Sovereign state | ![]() | |
Bansa | ![]() | |
Council Area | Glasgow City | |
Lieutenancy Area | Glasgow | |
Subdibisyon | 23 na wards | |
Itinayo | ika-6 na siglo | |
Burgh Charter | 1170s[5] | |
Pamahalaan | ||
• Council Leader | Susan Atiken, SNP | |
• Lord Provost | Phillip Braat, Lab | |
• MSPs |
| |
Lawak | ||
• Lungsod at council area | 175 km2 (68 milya kuwadrado) | |
• Urban | 368.5 km2 (142.3 milya kuwadrado) | |
• Metro | 492 km2 (190 milya kuwadrado) | |
Populasyon | ||
• Lungsod at council area | Padron:Scottish locality populations (City)[3] Padron:Scottish council populations (Council area)[4] | |
• Ranggo | 3rd | |
• Kapal | 3,555/km2 (9,210/milya kuwadrado) | |
• Urban | Padron:Scottish settlement populations[3] | |
• Metro | 1,861,315[6] | |
• Language(s) | English Scots Gaelic | |
Demonym | Glaswegian | |
Sona ng oras | UTC±0 (Greenwich Mean Time) | |
• Tag-init (DST) | UTC+1 (British Summer Time) | |
Postcode areas | G | |
Kodigo ng lugar | 0141 | |
OS grid reference | NS590655 | |
International Airports | Glasgow Airport (GLA) Glasgow Prestwick Airport (PIK) | |
Main Railway Stations | Glasgow Central Glasgow Queen Street | |
Rapid transit | ![]() | |
Websayt | City website |
Ang Lungsod ng Glasgow ay ang pinakapopuladong lungsod sa Eskosya, at ikaapat na pinakapopulado sa buong Reino Unido, at ika-27 na pinakapopulado sa buong Europa[7]. Noong 2019, ang Glasgow ay itinatayang populasyon ng 633,210 na tao. Noo'y kabahagi ng Lanarkshire. Binubuo na ito ng Glasgow City Council Area, isa sa 32 na council areas ng Eskosya, ang lokal na pamahalaan ay ang Glasgow City Council. Ang lungsod ay nalalagay sa Ilog Clyde sa West Central Lowlands ng Eskosya. Ito ay ikalimang pinakabinibisitang lungsod sa buong Reinos Unido.[8]
Ang Glasgow ay lumaki mula sa isang munting bayan sa Ilog Clyde ngayon ay naging pinakamalaking daungan ng barko sa buong Eskosya, at ika-sampu kada tonnelada sa buong Reino Unidos. Lumaki mula sa isang royal burgh, at ang pagkakatayo ng Unibersidad ng Glasgow noong ika-15 na siglo, ito ay naging malaking sentro ng Scottish Enlightenment noong ika-18 na siglo. Mula noong ika-18 na siglo, ang lungsod na ito ay naging isa sa mga malalaking pook kalakalan ng Britanya sa Hilagang Amerika at sa Kanlurang Indies. Noong Rebulusyong Industriyal, ang populasyon at ekonomoniya ng Glasgow at ang mga katabing bayan ay lumaki, dahil dyan ang Glasgow ay naging sentro ng paggawaan ng kemikals, textiles at engineering, lalo na sa paggawa ng barko, na kung saan nangaling ang mga sikat at inobatibong mga barko. Ang Glasgow ay tinaguriang ikalawang lungsod ng Reino Unidos noong Victorian at Edwardian Era, kinuha nito ang pwesto mula sa dating lungsod na pagaari noon ng Reino Unidos na Dublin, kung saan ay kinikilala na ito raw ang ikalawang lungsod ng Reino Unidos[9][10].
Sa huling bahagi ng ika-19 siglo at maagang bahagi ng ika-20 na siglo, ang populasyon ng Glasgow ay mabilis na lumaki, umabot sa 1,127,825 na katao noong 1938. Ang mga proyektong urban renewal noong 1960's ay nagdahilan sa malakihang relokasyon ng mga tao sa mga designated na mga bagong bayan tulad ng Cumbernauld, Livingston, at East Kilbride at sa mga kalapit bayan, na sinundan ng pagbabago ng boundary. Dahil dito nabawasan ang populasyon ng Glasgow sa 626,410 noong 2019, na may 985,290 na tao na nakatira sa Greater Glasgow area noong 2016. Ang mas malaking metropolitan area ay mayroong 1,800,000 na tao, na bumubuo sa 33% na populasyon ng Eskosya. Ang lungsod ay ang pinakamalaking population density sa buong Eskosya na narooon sa 4,023 km squared.
Ang Glasgow ang naghost sa 2014 Commonwealth Games at ang pinakaunang European Championships noong 2018; at kilala rin sa mundo ng football, rugby, athletics, tennis, golf at paglalangoy. Ngayon ang Glasgow ay mayroong diversity ng mga istilong arkitektura, isa sa mga dahilan kung bakit maraming bumibisita sa lungsod. Mula sa sentro ng lungsod na puno ng gusaling Victorian, sa mga gusaling gawa sa salamin at bakal sa International Financial Services District sa malaahas na terraces ng blonde at pulang sandstone sa fasyonableng West End at sa mg mansyon na gumagawa sa Pollokshields sa timog na bahagi. Sa baybayin ng Ilog Clyde ay makikita ang mala-futuristic na mga gusali na tulad ng Riverside Museum, Glasgow Science Centre, ang SSE Hydro, at ang SEC Armadillo.
{{cite web}}
: |last2=
has numeric name (tulong)CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)