Golpo ng Oman

Larawan ng Golpo ng Oman

Ang Golpo ng Oman o Golpo ng Makran (Wikang Arabo: الخليج عمان; Transliterasyon: khalīj ʿumān),(Urdu/Wikang Persa (Persian): خليج مکران) ay isang golpo na nagdudugtong sa Dagat Arabo at Kipot ng Hormuz, at dumadaloy papunta sa Golpo Persiko (Persian Gulf). Mas kilala ito na sangay ng Golpo Persiko (Persian Gulf) kaysa isang bahagi ng Dagat Arabo. Matatagpuan ang Pakistan at Iranya sa hilaga nito. Nasa timog na baybayin naman ang Oman at sa kanluran ang United Arab Emirates.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne