Ang Gran Indonesia (o Dakilang Indonesia), o sa wikang Malay, Indonesia Raya or Melayu Raya, ay isang konseptong pampolitika na may layuning pagsamahin ang mga taong Malay sa pamamagitan ng pagkakaisa ng Malayang Britaniko (British Malaya) at ng Silangang Indiyas ng Olanda (Dutch East Indies).[1]. Sinuportahan ito ng mga mag-aaral at mga nagtapos sa Dalubhasaang Pansanay ng Sultan Idris para sa mga Gurong Malay noong huling bahagi ng dekada 1920, at ng mga indibidwal mula sa Sumatra at Haba kasama sina Muh, Yamin at Sukarno noong dekada 1950.[1]