Griyegong Koine | |
---|---|
ἡ κοινὴ διάλεκτος | |
Bigkas | (h)e̝ kyˈne̝ diˈalektos ~ i cyˈni ðiˈalektos |
Rehiyon | Silangang Mediteraneo (kasama na ang Silangang Imperyong Romano) at Gitnang Silangan |
Panahon | 300 BK – 300 AD |
Indo-Europeo
| |
Mga sinaunang anyo | |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | – |
grc-koi | |
Glottolog | Wala |
Kasaysayan ng wikang Griyego (tignan din: alpabetong Griyego) |
![]() |
Proto-Griyego (c. 3000 BCE –1600 BCE)
|
Micenico (c. 1600 BCE –1100 BCE)
|
Sinaunang Griyego (c. 800 BCE –330 BCE) Mga dialekto: Aeolic, Arcadocypriot, Attic-Ionic, Doric, Locrian, Pamphylian, Homeric Greek, Macedonian
|
Griyegong Koine (c. 330 BCE –330 CE)
|
Griyegong Mediebal (330 CE–1453)
|
Modernong Griyego (mula 1453) Dialects: Calabrian, Cappadocian, Cheimarriotika, Cretan, Cypriot, Demotic, Griko, Katharevousa, Pontic, Tsakonian, Maniot, Yevanic
|
Ang Koine (mula sa κοινή "karaniwan", at sa modernong Griyego: Ελληνιστική Κοινή) na kilala rin bilang diyalektong Alehandriyano, karaniwang Atiko o Griyegong Helenistiko ang karaniwang supra-rehiyonal na anyo ng wikang Griyego na sinalita at isinulat noong panahong Helenistiko at panahong Romano. Ito ay umunlad sa pamamagitan ng pagkalat ng Griego kasunod ng mga pananakop ni Dakilang Alejandro noong ika-4 siglo BCE at nagsilbing karaniwang lingua franca ng karamihan ng rehiyong Mediteraneo at Gitnang Silangan nang sumunod na mga siglo. Ito ay pangunahing nakabase sa Griyegong Atiko at mga kaugnay na anyong pagsasalitang Griyegong Ioniko kasama ng mga iba't ibang mga admixture na dulot ng dialektikong paglelebel sa ibang mga anyo.[1] Ang Griyegong Koiné ay nagpapakita ng isang malawak na spektrum ng mga iba't ibang mga istilo mula sa mas konserbatibong mga anyong pampanitikan hanggang sa mga sinalitang bernakular ng panahong ito.[2] Bilang pangunahing wika ng Imperyong Bisantino, karagdagan na iniunlad sa Griyegong Mediebal, ang pangunahing ninuno ng Modernong Griyego.[3]
Ang pampanitikang Koiné ang medium ng karamihan ng pagkatapos ng klasikong pagsusulat na pampanitikan at pang-iskolar gaya ng mga akda nina Plutarko at Polybius.[1] Ang Griyegong Koiné rin ang orihinal na wika ng Bagong Tipan, ng saling Griyegong Septuagint ng Tanakh at ng karamihan ng mga maagang kasulatang teolohikal ng mga ama ng simbahan. Sa kontekstong ito, ang Griyegong Koine ay kilala rin bilang ang Griyegong pam-Bibliya, pang-Bagong Tipan o pang-patristiko.[4] Patuloy na ginagamit bilang wikang liturhiko ng mga serbisyo sa Simbahang Griyegong Ortodokso at sa ilang mga Simbahang Katolikong Griyego.
Ang Romanong Emperador Marco Aurelio, maski nag-Latin sa kaniyang mga tao, ay sumulat niyang pansariling pag-iisip sa Griyegong Koine, sa isang aklat na ngayong tinatawag na Mga Meditasyon.