Sa matematika, ang nosyon ng guhit o linya o tuwid na linya ay pinakilala ng mga sinaunang matematiko upang ilarawan ang mga tuwid na obhekto na hindi mahalaga ang lapad at lalim. Ang mga linya ang idealisyon ng mga gayong obhekto. Pagdating ng ikalabing pitong siglo, ang mga linya ay inilalalarawan na : "Ang linya ang unang spesiyes (species) ng kantidad na mayroon lamang isang dimensiyon na tinatawag na haba (length) na walang lapad (width) o lalim (depth) at ito ay walang iba kundi ang daloy o takbo ng punto na [...] nag-iiwan sa imahinaryong paggalaw nito ng isang bestiyo (makikitang marka) sa haba na walang lapad. [...] Ang tuwid na linya ay isang magkatumbas na pinahaba sa pagitan ng mga punto nito.[1]
↑Sa (medyo lumang) Pranses: "La ligne est la première espece de quantité, laquelle a tant seulement une dimension à sçavoir longitude, sans aucune latitude ni profondité, & n'est autre chose que le flux ou coulement du poinct, lequel [...] laissera de son mouvement imaginaire quelque vestige en long, exempt de toute latitude. [...] La ligne droicte est celle qui est également estenduë entre ses poincts." Pages 7 and 8 of Les quinze livres des éléments géométriques d'Euclide Megarien, traduits de Grec en François, & augmentez de plusieurs figures & demonstrations, avec la corrections des erreurs commises és autres traductions, ni Pierre Mardele, Lyon, MDCXLV (1645).