Hades | |
---|---|
Diyos ng Mundong Ilalim, at ng mga patay at kayamanan | |
Tirahan | Ang Mundong Ilalim |
Symbol | Cerberus, cornucopia, sceptre, Cypress, Narcissus, susi |
Konsorte (Asawa) | Persephone |
Mga magulang | Cronus at Rhea |
Mga kapatid | Poseidon, Demeter, Hestia, Hera, Zeus |
Mga anak | Macaria, Melinoe at Zagreus |
Katumbas na Romano | Dis Pater, Orcus |
Si Hades ( /ˈheɪdiːz/; Sinaunang Griyego: ᾍδης o Άͅδης, Háidēs) ay ang diyos ng mga patay at kamatayan sa mitolohiyang Griyego. Siya rin ang diyos ng Mundong Ilalim, na sa kalaunan kinuha ang kanyang pangalan. Tinagurian din siyang diyos ng kayamanan, dahil sa nakakubling mahahalagang mga metal na nakabaon at nakakubli sa lupa ng mundo.[1]
Bahagi siya ng labindalawang Olimpiyano.[1][2] Si Hades ay itinuturing ang panganay na lalaki nina Kronos at Rhea, bagaman ang huling anak na iniluwa ng kanyang ama. Natalo niya at ng kanyang mga kapatid na lalaking sina Zeus at Poseidon ang henerasyon ng kanilang ama ng mga diyos, ang mga Titan, at inangkin ang pamamahala sa mga kosmo. Natanggap ni Hades ang Mundong Ilalim, si Zeus ang langit, at Poseidon ang dagat, ang lupa——matagal nang lalawigan ni Gaia——lagap sa lahat ng tatlo sabay-sabay. Si Hades ay madalas inilalarawan kasama ang kanyang tatlong-ulong bantay asong si Cerberus at, sa ibang mitolohikal na mga may-akda, nauugnay sa Almete ng Kadiliman at ang bident.
Kasama siya ng mga Olimpiyanong diyos na nakipaglaban laban sa mga Titano, ngunit hindi siya kailanmang nanirahan sa Bundok ng Olimpo.[2]
Nag-aari siya ng isang masalamangkang kalubkob o helmet, na nagiging imbisible kapag isinusuot ito.[1]