Halalang pampanguluhan sa Pilipinas, 2016

Halalang pampanguluhan sa Pilipinas, 2016

← 2010 9 Mayo 2016 2022 →
Turnout80.69%
 
Candidate Rodrigo Duterte Mar Roxas Grace Poe
Party PDP-Laban Liberal Independent
Running mate Alan Peter Cayetano Leni Robredo Francis Escudero
Popular vote 16,601,997 9,978,175 9,100,991
Percentage 39.01% 22.18% 20.23%

 
Candidate Jejomar Binay Miriam Defensor Santiago
Party UNA PRP
Running mate Gregorio Honasan Bongbong Marcos
Popular vote 5,416,140 1,455,532
Percentage 15.04% 3.24%

Map showing the official results taken from provincial and city certificates of canvass. The inset shows Metro Manila.

President before election

Benigno Aquino III
Liberal

Elected President

Rodrigo Duterte
PDP-Laban

Preview warning: Page using Template:Infobox election with unknown parameter "percentage2"
Preview warning: Page using Template:Infobox election with unknown parameter "percentage3"
Preview warning: Page using Template:Infobox election with unknown parameter "percentage1"
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ginanap noong 9 Mayo 2016, ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo[1] ang isang halalang pampanguluhan ng Pilipinas. Ihahalal sa araw na ito ang ika-16 Pangulo ng Pilipinas na hahalili kay Benigno Aquino III, na hindi na maaaring tumakbo muli sa naturang katungkulan alinsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987. Ito ang ikalimang halalang sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa ilalim ng 1987 Saligang Batas.

Inihayag ng Komisyon sa Halalan ang mga opisyal na kandidato sa pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo noong 15 Pebrero 2016. Ito'y makaraang suyurin ang 130 kandidatura sa pagka-Pangulo at 19 naman sa pagka-Pangalawang Pangulo.[2][3] Ang mga pinayagan ng Komisyon na tumakbo sa pagka-Pangulo ay sina Jejomar Binay ng United Nationalist Alliance, Miriam Defensor Santiago ng People's Reform Party, Rodrigo Duterte ng PDP–Laban, Grace Poe na isang independiyente, Mar Roxas ng Partido Liberal, at Roy Señeres ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka.

Bago pa naisapinal ang listahan, na nabinbin ng dalawang buwan,[4] nauna nang iniatras ni Roy Señeres ang kaniyang kandidatura noong 5 Pebrero dahil sa kaniyang lumalalang kalusugan, na humantong naman kaniyang pagpanaw noong 8 Pebrero.[5][6] Sa kabila nito, hindi tinanggal ng Komisyon ang pangalan ni Señeres sa opisyal na balota, nang simulan itong ilimbag noong 15 Pebrero, dahil pinapayagan umano ng Omnibus Election Code na magpalit pa ng kandidato ang partido hanggang sa kalagitnaan ng araw ng halalan.[3][7]

Ibinasura naman ng Komisyon ang lahat ng petisyon na idiskuwalipika si Rodrigo Duterte noong 3 Pebrero.[8] Sa kabilang banda, ibinasura ng Komisyon ang kandidatura ni Grace Poe noong 23 Disyembre 2015,[9] ngunit dahil nakadulog ang kampo ni Poe sa Kataas-taasang Hukuman na naglabas ng TRO,[10] nanatili si Poe sa balota. Noong 8 Marso 2016, kinatigan ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyon ni Poe laban sa Komisyon, at pinayagang tumakbo sa pagkapangulo.[11]

  1. "Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, Artikulo VII§4". GOVPH. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-05. Nakuha noong 2016-04-25. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong); Unknown parameter |text= ignored (tulong)
  2. Esmaquel, Paterno II (2015-10-16). "'Record-high' 130 bets run for Philippine president" (sa wikang Ingles). Rappler. Nakuha noong 2016-04-25.
  3. 3.0 3.1 Villa, Jet (2016-02-15). "Comelec releases official list of candidates" (sa wikang Ingles). InterAksyon.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-25. Nakuha noong 2016-04-25.
  4. Gotinga, JC (2015-12-15). "Comelec postpones release of final list of candidates" (sa wikang Ingles). CNN Philippines. Nakuha noong 2016-04-25.[patay na link]
  5. Gotinga, JC (2016-02-05). "Señeres withdraws from presidential race" (sa wikang Ingles). CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-02-06. Nakuha noong 2016-04-25.
  6. "Roy Señeres dies of cardiac arrest" (sa wikang Ingles). CNN Philippines. 2016-02-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-02-09. Nakuha noong 2016-04-25.
  7. Crisostomo, Sheila (2016-02-16). "Ballot printing starts" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-04-25.
  8. Escarilla, Abbie (2016-02-03). "Comelec panel junks 4 Duterte disqualification cases for lack of merit" (sa wikang Ingles). NewsCentral.PH. Nakuha noong 2016-04-25.[patay na link]
  9. Elemia, Camille (2015-12-24). "How Comelec commissioners voted on Grace Poe's case" (sa wikang Ingles). Rappler. {{cite web}}: Unknown parameter |acceessdate= ignored (tulong)
  10. Francisco, Katerina (2016-03-08). "SC stops Comelec from cancelling Poe COC" (sa wikang Ingles). Rappler. Nakuha noong 2016-04-26.
  11. "Supreme Court allows Grace Poe to run for president" (sa wikang Ingles). Rappler. 2016-03-08. Nakuha noong 2016-04-26.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne