Halimaw ng dagat

Ang mga halimaw ng dagat ang mga nakatira sa dagat na mga nilalang na mitikal o maalamat na kadalasang pinaniniwalaang may malaking sukat. Ang mga halimaw na pandagat ay maaaring kumuha ng mga anyong gaya ng mga dragon ng dagat, mga serpente ng dagat o mga halimaw na may maraming braso. Ang mga ito ay maaaring maputik o makaliskis at kadalasang inilalarawang nagbabanta sa mga barko o bumubuga ng tubig.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne