![]() Isang mangkok ng halo-halo na may kasamang gatas at pulot-pukyutan | |
Kurso | Panghimagas |
---|---|
Lugar | Pilipinas |
Pangunahing Sangkap | Ginadgad na yelo, gatas, samu't saring prutas |
|
Ang halo-halo o haluhalo ay isang tanyag na malamig na panghimagas sa Pilipinas, na binubuo ng ginadgad na yelo, ebaporada o gata, at samu't saring sahog, kabilang dito ang mga pamutat kagaya ng ube halaya, minatamis na abitsuwelas o garbansos, kinayod na buko o makapuno, sago, gulaman, pinipig, pinakuluang gabi o kamote na nakakubo, flan, mga hiwa-hiwa o pira-piraso ng preserbadong prutas at halamang-ugat. Nilalagyan itong panghimagas ng isang sandok ng sorbetes na ube. Karaniwan itong inihahanda sa mataas na baso at inihahain nang may kutsara.[1] Kinokonsidera ang halo-halo bilang di-opisyal na pambansang panghimagas ng Pilipinas.