Hangganan (matematika)

Sa matematika at lohika, masasabing may hangganan (Ingles: finitary) ang isang operasyon kung may hangganan ang aridad nito, o sa madaling salita, may hangganan ang ipinapasok na halaga. Sa kaparehong dahilan, ang isang operasyong walang hangganan (Ingles: infinitary) ay ang operasyon na kayang magpasok ng walang hanggang bilang ng mga halaga.

Sa normal na matematika, may hangganan ang isang operasyon base na rin sa kahulugan nito. Kaya naman, ginagamit lamang ang mga terminong ito sa konteksto ng lohikang walang hangganan.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne