Harare | |||
---|---|---|---|
lungsod, big city | |||
| |||
Mga koordinado: 17°49′45″S 31°03′08″E / 17.8292°S 31.0522°E | |||
Bansa | Zimbabwe | ||
Lokasyon | Harare Province, Zimbabwe | ||
Itinatag | 1890 | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 960,600,000 km2 (370,900,000 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2012) | |||
• Kabuuan | 2,150,000 | ||
• Kapal | 0.0022/km2 (0.0058/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+02:00 | ||
Websayt | http://hararecity.co.zw |
Ang Harare (opisyal na tinutukoy na Salisbury hanggang 1982[1]) ay ang kabisera ng Zimbabwe. Ito ang luklukan ng pamahalaan at pinakamalaking lungsod na may tinatayang populasyon na 1,606,000 (2009),[2] at may 2,800,000 sa kalakhang sakop nito (2006). Sa pangangasiwa, ang Harare ay isang kalakhang lalawigan, kung saan nakapaloob ang mga bayan ng Chitungwiza at Epworth.[3] Ito ang nangungunang sentro ng pananalapi, komersiyo, at komunikasyon, at sentro ng kalakalan ng tabako, mais, bulak at mga citrus na prutas. Ang mga pagawaan ng tela, asero at kemikal ay dito rin matatagpuan. Minimina rin ang ginto sa lugar. Matatagpuan ang Harare sa taas na 1,483 metro (4,865 talampakan) at ang katamtaman lang ang init ng klima nito.
Nasa Harare rin ang University of Zimbabwe, ang pinakamatandang pamantasan sa bansa, na matatagpuan sa naik ng Mount Pleasant, mga 6 km sa hilaga ng kalungsuran.[4] Maraming naik ang nakapalibot sa lungsod na nanatili sa pangalang ibinigay ng mga nangasiwa dito noong ika-19 na daantaon, gaya ng Warren Park, Borrowdale, Mount Pleasant, Marlborough, Tynwald and Avondale; ang pinakamayayamang naik ay nasa hilaga ng lungsod.