Hassanal Bolkiah | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
|
Mamamayan | Brunei |
Nagtapos | Pangharing Akademyang Militar ng Sandhurst Victoria Institution Sultan Omar Ali Saifuddien College |
Trabaho | politiko |
Opisina | Sultan of Brunei Darussalam (4 Oktubre 1967–) |
Asawa | Reyna Saleha ng Brunei (29 Hulyo 1965–) Princess Mariam Abdul Aziz (1982–2003) Azrinaz Mazhar Hakim (2005–2010) |
Anak | Prinsipe Azim, Tagapagmanang Prinspe Al-Muhtadee Billah ng Brunei, Prince Mateen of Brunei, Prinsipe Malik, Majeedah Bolkiah, Prinsesa Rashidah Sa'adatul Bolkiah, Princess Fadzilah of Brunei, Prince Abdul Wakeel of Brunei |
Magulang |
|
Pamilya | Prinsipe Jefri Bolkiah, Prinsipe Mohamed Bolkiah, Princess Masna of Brunei |
Pirma | |
![]() |
Si Hassanal Bolkiah[1] (Jawi: حسن البلقية; ipinanganak 15 Hulyo 1946) ay ang ika-29 at kasalukuyang Sultan at Yang di-Pertuan ng Brunei at ang Punong Ministro ng Brunei. Isa siya sa mga huling ganap na monarko sa sanlibutan. Anak nina Sultan Omar Ali Saifuddien III at Raja Isteri (Reyna) Pengiran Anak Damit, humalili siya bilang sultan ng Brunei, pagkatapos magbitiw sa tungkulin ang kanyang ama noong 5 Oktubre 1967.
Nakaranggo ang sultan sa mga pinakamayamang indibiduwal sa sanlibutan. Tinataya ng magasin na Forbes ang kanyang netong halaga sa $ 20 bilyon. Pakatapos ni Reyna Elizabeth II, ang sultan ay ang ikalawang kasalukuyang monarko sa mundo na matagal ng namamahala.[2] Noong 5 Oktubre 2017, ipinagdiwang ng sultan ang kanyang Ginuntuang Hubileo upang markahan ang kanyang ika-50 paghahari sa kanyang trono.[3]