![]() |
Ang hene [1] o gene (na tinatawag ding kamani[2] ayon sa kontrobersyal[3] na Maugnaying Talasalitaang Pang-Agham Ingles-Pilipino) ay isang molekular na yunit ng pagmamana ng katangian sa isang organismo. Ito ay isang pangalan na ibinigay sa ilang mga haba ng kodigong DNA at RNA para sa isang uri ng protina o para sa isang kadena ng RNA na may papel na ginagampanan sa isang organismo. Ang mga buhay na organismo ay nakadepende sa hene dahil ito ay tumutukoy sa mga protina at gumaganang kadena ng RNA. Ang mga hene ay humahawak ng impormasyon para lumikha at magingat ng mga selula ng isang organismo at ipasa ang mga katangiang henetiko sa mga anak nito.