Himagsikang Ruso (1917)

Ang Himagsikang Ruso ng 1917 ay isang serye ng mga himagsikan sa Imperyong Ruso. Ang mga kaganapan sa panahong ito ang nagwasak sa awtokrasyang Tsarista at tumulong sa paglikha ng Unyong Sobyet. Ang Himagsikang Pebrero ang unang rebolusyon na naganap noong Pebrero 1917. Napalitan ang Tsar (Czar) ng pamahalaang probisyonal. Ang pangalawang rebolusyong kilala bilang Himagsikang Oktubre ay naganap sa buwan ng Oktubre noong 1917. Pinalitan ng mga Bolshevik ang pamahalaang probisyonal.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne