Homo habilis

Homo habilis
Temporal na saklaw: 2.3–1.4 Ma
Pliocene-Pleistocene
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Primates
Suborden: Haplorhini
Infraorden: Simiiformes
Pamilya: Hominidae
Subpamilya: Homininae
Tribo: Hominini
Sari: Homo
Espesye:
H. habilis
Pangalang binomial
Homo habilis
Leakey et al., 1964

Ang Homo habilis (may kahulugang "taong marunong gumawa ng kung anu-anong mga bagay) ay isang ekstintong espesye ng genus na Homo, na namuhay noong bandang 1.4 hanggang 2.3 milyong mga taon na ang nakalilipas sa simula ng panahong Pleistoseno.[1] Ang Homo habilis (o maaaring H. rudolfensis) ang pinakamaagang nakikilalang species ng genus na Homo. Sa anyo at morpolohiya nito, ang H. habilis ay ang pinaka malayo ang pagkakatulad sa modernong tao sa lahat ng species ng genus na Homo (maaaring maliban sa H. rudolfensis). Ang H. habilis ay maiksi ang taas at may hindi pantay na mahahabang mga bisig kung ihahambing sa mga modernong tao. Subalit hindi gaanong nakaungos ang mukha nito kung ihahambing sa mga australopithecine na pinaniniwalaang mga ninuno nito. Ito ay may kapasidad na pangbungo na bahagyang mas kakaunti kaysa kalahati ng sukat ng makabagong mga tao. Sa kabila ng morpolohiya ng katawan na parang sa bakulaw, ang mga nalalabi ng H. habilis ay madalas na nasasamahan ng mga primitibong mga kagamitang yari sa bato (halimbawa na ang nasa Olduvai Gorge, Tanzania at Lawa ng Turkana, Kenya). Ang Homo habilis ay sabay na nabuhay sa ibang mga primadong tulad ng Homo na bipedal gaya ng Paranthropus boisei na ang ilan ay nabuhay sa loob ng maraming mga libong taon. Gayunpaman, dahil sa posibleng maagang paggamit ng mga kasangkapan at isang kaunting espesyalisadong diyeta ng H. habilis, ito ay nag-ebolb sa buong linya ng bagong species samantalang ang ibang species gaya ng Paranthropus boisei at mga matipunong kamag-anak nito ay naglaho na sa fossil record.

Ang Homo habilis ay pinaniniwalaang ang ninuno ng mas may magandang hubog ng katawan at mas sopistikadong Homo ergaster na nagpalitaw sa species na kamukha ng tao na Homo erectus. Noong 2007, may bagong mga pagkakatuklas na nagmumungkahing maaaring ang parehong H. habilis at H. erectus ay sabay na umiral at maaaring ito ay magkahiwalay na angkan mula sa isang karaniwang ninuno sa halip na nagmula ang H. erectus mula sa H. habilis.[2] Ito maaaring nagpapakita na ang anumang mga kaugnayang pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip na anahenetiko na nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay naging karaniwang ninuno ng natitirang henus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong H. habilis hanggang sa kanilang mas kalaunang ekstinksiyon.[3]

  1. New York Times, artikulong Fossils in Kenya Challenge Linear Evolution, nalathala noong Agosto 9, 2007, na naglalahad na ang mga siyentipikong nagbigay ng petsa at sumuri sa mga ispesimen o halimbawa ng Homo habilis na may 1.44 milyong mga taong gulang at ng isang Homo erectus na may 1.55 mga milyong taong gulang, na ang kanilang natuklasan ay humahamon sa nakaugaliang pananaw na ang mga uring ito ay dumaan sa ebolusyon pagkaraan ng isa't isa. Sa halip, tila namuhay silang magkasabayan sa silangang Aprika sa loob ng kalahati ng isang milyong mga taon.
  2. F. Spoor, M. G. Leakey, P. N. Gathogo, F. H. Brown, S. C. Antón, I. McDougall, C. Kiarie, F. K. Manthi & L. N. Leakey (9 Agosto 2007). "Implications of new early Homo fossils from Ileret, east of Lake Turkana, Kenya". Nature. 448 (448): 688–691. doi:10.1038/nature05986.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. F. Spoor, M. G. Leakey, P. N. Gathogo, F. H. Brown, S. C. Antón, I. McDougall, C. Kiarie, F. K. Manthi & L. N. Leakey (2007-08-09). "Implications of new early Homo fossils from Ileret, east of Lake Turkana, Kenya". Nature. 448 (7154): 688–691. doi:10.1038/nature05986. PMID 17687323.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) "A partial maxilla assigned to H. habilis reliably demonstrates that this species survived until later than previously recognized, making an anagenetic relationship with H. erectus unlikely" (Emphasis added).

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne