Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang Hukuman ng Apelasyon[1] (Ingles: Court of Appeals) ay isang kalipunan ng hukuman sa pag-aapela sa Pilipinas. Binubuo ang Hukuman ng Apelasyon ng isang namumunong mahistrado at animnapu't walong kasamang mahistrado. Alinsunod sa Saligang Batas, ang Hukuman ng Apelasyon ay "hindi lamang nirerepaso ang mga pasya ng Mga Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis, mga gawad, mga husga, huling kautusan o resolusyon ng, o inawtorisa ng mga ahensyang administratibo na ginanap ang tungkuling kuwasi-hudisyal na binabanggit sa Patakaran 43 ng mga Patakaran ng Pamamaraang Sibil (Rules of Civil Procedure) ng 1997, dagdag pa dito ang Pambansang Komisyon sa Amnestiya (Pampangulong Proklamasyon Blg. 347 ng 1994) at ang Tanggapan ng Tanodbayan."[2] Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 9282, na itinaas ang Hukuman ng Apelasyon sa Buwis sa parehong antas ng Hukuman ng Apelasyon, sumasailalim ang pasyang en banc ng Hukuman ng Apelasyon sa Buwis sa pagrepaso ng Kataas-taasang Hukuman sa halip ng Hukuman ng Apelasyon (taliwas sa kung ano ang kasalukuyang binigay sa Seksyon 1, Patakaran 43 ng mga Patakaran ng Hukuman). Dinagdag sa mabigat na listahan ang mga desisyon at resolution ng Pambansang Komisyon ng Ugnayan sa Paggawa na inisyal na ngayong marerepaso ng Hukuman ng Apelasyon, imbis na isang direktang pagdulog sa Kataas-taasang Hukuman, sa pamamagitan ng petisyon para sa certiorari sa ilalim ng Patakaran 65.[3]
Matatagpuan ang mga gusalin ng Hukuman ng Apelasyon sa Kalye Maria Orosa, Ermita sa Maynila, sa lugar kung saan dating bahagi ng kampus ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila.