ISO 639-3

Ang ISO 639-3: 2007, o Codes for the representation of names of languages – Part 3: Alpha-3 code for comprehensive coverage of languages sa Ingles, ay isang pamantayang internasyonal para sa mga kodigo ng wika sa seryeng ISO 639. Nagtatakda ito ng tatlong letrang kodigo para sa pagkakakilanlan ng mga wika. Inilathala ang pamantayan ng ISO noong 1 Pebrero 2007.[1]

Pinapalawig ng ISO 639-3 ang mga kodigong alpha-3 ng ISO 639-2 na may layuning saklawin ang lahat ng kilalang wikang natural. Ang pinalawak na saklaw ng wika ay batay sa mga kodigo ng wika na ginamit sa Ethnologue (tomong 10-14) na inilathala ng SIL International, na sa ngayon ay ang awtoridad sa pagpaparehistro para sa ISO 639-3.[2] Nagbibigay ito ng isang talaan ng mga wika na kumpleto hangga't maaari, kabilang ang buhay at patay na, sinaunang at inimbento, malalaki at menor, nakasulat at hindi nakasulat.[1] Gayunpaman, hindi kabilang dito ang mga muling nabuong wika tulad ng Proto-Indo-Europeo.[3]

Inilaan ang ISO 639-3 upang gamitin bilang kodigong metadata sa iba't ibang mga aplikasyon. Kadalasang ginagamit ito sa mga sistema ng kompyuter at impormasyon, tulad ng Internet, kung saan kailangang suportahin ang maraming mga wika. Sa mga arkibo at iba pang imbakan ng impormasyon, ginagamit ang mga ito sa mga sistema ng pagkatalogo, na nagpapahiwatig ng wika o tungkol sa wika ng isang pagkukunan. Madalas ding ginagamit ang mga kodigo sa lingguwistang panitikan at sa ibang lugar upang mabawi ang katotohanan na maaaring maging hindi malinaw o hindi klaro ang mga pangalan ng wika .

Maghanap ng isang wika
Magpasok ng isang kodigong ISO 639-3 upang mahanap ang nararapat na artikulo ng wika.
  1. 1.0 1.1 "ISO 639-3 status and abstract". iso.org. 2010-07-20. Nakuha noong 2012-06-14.
  2. "Maintenance agencies and registration authorities". ISO.
  3. "Types of individual languages – Ancient languages". sil.org.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne