Mga igat Temporal na saklaw: Senomaniyano–kasalukuyan[1]
| |
---|---|
![]() | |
Anguilla japonica | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Actinopterygii |
Superorden: | Elopomorpha |
Orden: | Anguilliformes L. S. Berg, 1943 |
Tipo ng genus | |
Anguilla | |
Mga suborden | |
Ang igat ay isang uri ng maitim at maliit na isdang palos. Palos ang karaniwang katawagan sa uri ng malaking igat.[3] Ang mga igat ay mga isdang may mala-sinag na palikpik na kabilang sa orden na Anguilliformes, na binubuo ng walong suborden, 20 pamilya, 164 henera, at humigit-kumulang 1000 espesye.[4][5] Sumailalim ang mga igat sa medyo malaking paglaki mula sa maagang yugto ng larba hanggang sa huling yugto ng pang-adulto at kadalasan na mga mandaragit sila.
Ginagamit din ang katawagang "igat" para sa iba pang ilang hugis-igat na isda, tulad ng mga igat eletriko (electric eels, genus Electrophorus), mga igat sa latian (orden Synbranchiformes), at mga matinik na igat sa kalaliman ng dagat (deep-sea spiny eels, pamilya Notacanthidae). Gayunpaman, ang iba pang klado na ito, maliban sa mga matinik na igat sa kalaliman ng dagat, na nasa orden na Notacanthiformes ay kapatid na klado sa totoong igat, na hiwalay ang kanilang ebolusyon na mala-igat na hugis mula sa mga tunay na igat. Bilang pangunahing tuntunin, nasa dagat ang karamihan sa mga igat. Ang mga eksepsiyon ay ang henerong katadromo na Anguilla at ang tubig-tabang na moray,[6] na gumugugol ng halos lahat ng kanilang buhay sa tubig-tabang, ang anadromong igat sa palayan, na nangingitlog sa tubig-tabang, at ang igat ahas sa tubig-tabang na Stictorhinus.[7]