Ikalabingsiyam na Dinastiya ng Sinaunang Ehipto | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1292 BCE–1189 BCE | |||||||||
![]() | |||||||||
Kabisera | Thebes, Kalaunang Memphis at Pi-Ramesses | ||||||||
Karaniwang wika | Wikang Ehipsiyo | ||||||||
Relihiyon | Sinaunang Relihiyon ng Ehipto | ||||||||
Pamahalaan | Abstolutong Monarkiya | ||||||||
Paraon | |||||||||
Panahon | Panahong Tanso | ||||||||
• Naitatag | 1292 BCE | ||||||||
• Binuwag | 1189 BCE | ||||||||
|
Ang Ikalabingsiyam na dinastiya ng Ehipto o Dynastiyang XIX[1] ang isa sa mga panahon ng Bagong Kaharian ng Ehipto. Ito ay itinatag ng Vizier na si Ramesses I na pinili ni Paraon Horemheb bilang kanyang kahalili sa trono. Ang Dinastiyang ito ay kilala sa mga militaryong pananakop sa Canaan. Ang mga mandirigmang hari ng simulang Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto ay nakatagpo lamang ng kaunting pagsalungat mula sa mga kapitbahay na kaharian na pumayag sa mga ito na palawakin ang kanilang nasasakupan ng impluwensiya ng madali. Ang sitwasyong ito ay nagbago ng radikal tungo sa wakas ng ikalabingwalong dinastiya. Ang mga Hittite ay unti-unting nagpalawig ng impluwensiya nito sa Syria at Canaan upang maging pangunahing kapangyarihan sa politikang internasyonal na kailangang pakitunguhan ng parehong sina Paraon Seti I at ang kanyang anak na si Ramesses II.