Ikalawang Aklat ng mga Macabeo

Mga Aklat ng Bibliya

Ang Ikalawang Aklat ng mga Macabeo[1] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ni Jason na taga-Cirene.[2] Isa itong deuterokanonikong libro sa Kanon Katoliko at Apokripa sa Kanon Protestante na tumutuon ng pansin sa mga panghihimagsik ng mga Hudyo laban kay Antioco at nagwawakas sa pagkagapi sa heneral ng mga Siryanong si Nicanor noong 161 BK. Ang bayani ng aklat na si Judas Macabeo ang nagwagi laban sa heneral na si Nicanor.

Sa pagkakasunud-sunod na pang-Bibliya, sinundan nito ang Unang Aklat ng mga Macabeo.[1] Ngunit, ayon sa kronolohiya ng mga kaganapan, hindi ito maituturing na kasunod ng Unang Aklat ng mga Macabeo sapagkat isa itong bukod na paglalahad na mga kaganapang sakop ng ilan at piling mga taon sa pagitan ng 175 BK at 160 BK.[3]

  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Macabeo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  2. "[http://angbiblia.net/2_macabeo.aspx Ang Ikalawang Aklat ng mga Macabeo]". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008. {{cite ensiklopedya}}: External link in |title= (tulong)
  3. "Bible: First and Second Maccabees, p. 159". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne