Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ikalawang Digmaang Pandaigdig | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Paikot mula sa kaliwang taas: mga sundalong Tsino sa Labanan sa Wuhan, mga kanyon ng mga Briton at Awstralyano sa panahon ng Unang Labanan sa Al-Alamayn sa Ehipto 1943, mga eroplanong pambomba ng Alemanya sa Silangang Teatro (taglamig 1943–1944), hukbong pandagat ng Estados Unidos sa Golpo ng Lingayen, paglalagda ni Wilhelm Keitel sa Kasulatan ng Pagsuko ng Alemanya, mga sundalong Sobyet sa Labanan sa Stalingrad | |||||||
| |||||||
Mga nakipagdigma | |||||||
Alemanyang Nazi Imperyo ng Hapon Kaharian ng Italya Unggarya Rumanya Bulgarya Pinlandiya Taylandya Irak Pilipinas Croatia Burma Slobakya Manchukuo Mengjiang Bagong Tsina Azad Hind Albanya |
Unyong Sobyetiko Reyno Unido Estados Unidos Tsina Pransya Polonya Canada Australia Yugoslabya Pilipinas Gresya Olanda Belhika Timog Aprika New Zealand Noruwega Tsekoslobakya Etiyopiya Brasil Luksemburgo Cuba Mehiko Indiya Mongolia | ||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||
Joseph Stalin Georgy Zhukov Vasily Chuikov Winston Churchill George VI Bernard Montgomery Hugh Dowding Franklin Roosevelt Dwight D. Eisenhower Douglas MacArthur Omar Bradley George Patton Chester W. Nimitz Husband E. Kimmel Chiang Kai-shek He Yingqin Chen Cheng Mao Zedong Maurice Gamelin (hanggang 1940) Maxime Weygand (hanggang 1940) Charles De Gaulle Manuel L. Quezon (1941-1942) Sergio Osmeña (1944-1945) Ioannis Mataxas Alexander Papagos Milorad Petrović Henri Winkelman Leopold III Otto Ruge ,at iba pang mga kasapi |
Adolf Hitler Hermann Göring Wilhelm Keitel Walther von Brauchitsch Erwin Rommel Gerd von Runstedt Franz Halder Fedor von Bock Erich von Manstein Friedrich Paulus Wilhelm Ritter von Leeb Wilhelm List Hugo Sperrle Albert Kesselring Heinz Guderian Hirohito (Emperador Showa) Hideki Tōjō Hajime Sugiyama Tomoyuki Yamashita Isoroku Yamamoto Chuichi Nagumo Osami Nagano Masaharu Homma Yoshijirō Umezu Korechika Anami Benito Mussolini Victor Emmanuel III Umberto II ng Italya Pietro Badoglio (1940-1943) Rodolfo Graziani Ugo Cavallero Ion Antonescu Constantin Constantinescu Ioan Dumitrache Miklós Horthy Gusztáv Vitéz Jány Carl Gustaf Emil Mannerheim Marko Mesić Viktor Pavičić Ferdinand Čatloš Augustín Malár Ananda Mahidol Plaek Pibulsonggram ,at iba pang mga kasapi | ||||||
Lakas | |||||||
~100,000,000 35,000,000 16,000,000 12,000,000 5,000,000 4,700,000 1,000,000 900,000 800,000+ 680,000, at marami pang iba |
~40,000,000
500,000, at marami pang iba | ||||||
Mga nasawi at pinsala | |||||||
80,000,000; 60% ay mula sa Unyong Sobyet | 12,000,000 |
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanán na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pansandatahang-lakas upang lupigin ang bawat kalaban. Isang linggo bago magsimula ang digmaan, ang Kasunduang Molotov-Ribbentrop ay nilagdaan ng dalawang magkakalaban, ang Alemanyang Nazi at ang Unyong Sobyet at sumang-ayon sila sa dibisyon ng teritoryong nais sakupin sa Polonya. Nagsimula lumusob ang hukbong Alemanya sa kanluran, hilaga, at timog ng Polonya noong Setyembre 1, 1939 habang ang USSR ay nagsimulang lumusob sa bansa noong Setyembre 17 sa silangang bahagi ng Polonya. Nang sumuko ang Polonya, sila'y pinalipat sa Romania. Ang hukbong Nazi ay aktibo sa digmaan mula 1939 hanggang 1940 at halos nakontrol ang maraming bansa sa Europa. Pumasok ang Italya sa digmaan noong June 10, 1940 upang tulungan ang mga Alemanya. Ang mga bansang Pransiya, Belhika, Olanda, Austria, Tsekoslobakya, Polonya, Yugoslavia, Ukraina, Belarus, Lithuania, at kanlurang Rusya ay nakontrol ng Alemanya sa panahong iyon.
Pumasok ang Asia sa digmaan noong Disyembre 7, 1941 nang binomba ng Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii sa umaga. Nagbibigay-daan din ito sa pagpasok ng bansang Estados Unidos sa digmaan. Habang nangyari ang pag-atake sa Pearl Harbor, ang walong barkong U.S. Navy ships ay binagsak ng mga Hapon. Inilarawan itong bilang ''a date which will live in infamy'' dahil nangyari ang pag-atake ng walang anunsyo o deklarasyon. Pagkatapos ng pitong oras, nagsimulang umatake ang Hapon sa mga bansang nasa timog-silangang Asya tulad ng Pilipinas, Hong Kong, at Singapore. Halos nakontrol ng mga Hapon ang mga bansa sa timog-silangang Asia at ang mga taong nakatira sa mga ito ay pinahirapan at pinatay.
Noong 1943, sinalakay ng mga Alyado ang Sicily, ang isla sa timog ng Italya hanggang sa sumuko ang Italya sa pamamagitan ng paglagda ng kasunduang Cassibile noong Setyembre 3 at dineklara sa Setyembre 8. Noong Abril 16, 1945, nangyari ang labanan sa Berlin at ito'y pinakahuling labanan ng hukbong Alemnya at Hukbong Pula. Habang nangyari ang labanan na ito, noong Abril 30, si Adolf Hitler ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril sa ulo at kasabay niya rito ang asawa niyang si Eva Braun na nagpakamatay din sa pamamagitan ng paggamit ng cyanide. Sa pagkamatay ni Hitler, humina ang Nazi Germany at marami sa kanila ang namamatay sa daan. Sumuko ang mga Alemanya noong Mayo 7, 1945 at bunga nito, nanalo ang USSR. Pagkatapos nito, nagkaroon ng selebrasyon sa Europa. Mula Moscow hanggang Los Angeles, nagkaroon sila ng malaking selebrasyon. Ang hukbong USSR ay nabigyan ng award sa kanilang tagumpay, ''Heroes of the Soviet Union''.
Noong Agosto 6 at 9, nagsimulang magbomba ang mga hukbong Amerikano sa mga lungsod ng Hiroshima at Nagasaki. Ang bombang Little Boy ay ginamit sa Hiroshima at ang bombang Fat Man sa Nagasaki. Maraming namatay sa mga Hapon hanggang sila'y sumuko noong Agosto 15, 1945. Upang mabigyang opisyal na katapusan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang dokumentong pagsuko ay nilagdaan ng mga Hapon noong Setyembre 2, 1945. Sa pagtapos ng digmaan, 60 milyon tao ang nasawi.