Ang Ikalawang Dinastiya ng Sinaunang Ehipto o Dinastiyang II ay kadalasang sinasama sa Dinastiyang I sa ilalim ng pamagat ng pangkat na Simulang Dinastikong Panahon ng Ehipto na tumagal ng tinatayang mula 2890 BCE hanggang 2686 BCE.[1] Ang kabisera ng Sinaunang Ehipto sa panahong ito ang Thinis.