Ikan bakar

Ikan bakar
Ikan Gurame Bakar, inihaw na gurami na may kasamang kecap manis, na inihain sa Jakarta
KursoUlam
Kaugnay na lutuinIndonesya,[1] Brunay, Malasya, Singapura
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapIsdang tinimplahan ng bawang, lasuna at iba pang mga espesya na iniihaw sa uling

Ang ikan bakar ay isang pagkaing Indones at Malay, na gawa sa isda o iba pang pagkaing-dagat na iniihaw sa ulingan. "Inihaw na isda" ang literal na salin ng ikan bakar sa Indones at Malay. Iba ang ikan bakar sa iba pang mga inihaw na isda dahil madalas itong naglalaman ng mga pampalasa tulad ng bumbu, kecap manis, sambal, at binabalutan ng dahon ng saging at niluluto sa nagbabagang uling.

  1. "Cook Indonesian Ikan Bakar Barbecue Fish Asian BBQ Series" [Magluto ng Indones na Ikan Bakar Inihaw na Isda Serye ng Asyanong BBQ] (sa wikang Ingles). 15 Oktubre 2017.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne