Ang Ilog Jordan[1] (Kastila: Río Jordán, Arabe: نهر الأردن nahr al-urdun, Hebreo: נהר הירדן nehar hayarden) ay isang ilog sa Timog-Kanlurang Asya na dumadaloy papunta sa Dagat na Patay. Itinuturing ito bilang isa sa pinakabanal na mga ilog sa mundo.[2] Mayroon itong haba na 251 mga kilometro (156 mga milya).