Ilog Pasig (Ilog Pasig) | |
Ilog Pasig malapit sa distrito ng Quiapo.
| |
Bansa | Pilipinas |
---|---|
Mga rehiyon | Kalakhang Maynila, Calabarzon |
Tributaries | |
- left | Ilog Pateros-Taguig, Ilog San Juan |
- right | Ilog Marikina, Ilog Napindan |
Cities | Maynila, Lungsod ng Makati, Lungsod ng Mandaluyong, Lungsod ng Pasig, Lungsod ng Taguig |
Source | Laguna de Bay |
- coordinates | 14°31′33″N 121°06′33″E / 14.52583°N 121.10917°E |
Bibig | Look ng Maynila |
- location | Maynila |
- elevation | 0 m (0 ft) |
- coordinates | 14°35′40″N 120°57′20″E / 14.59444°N 120.95556°E |
Haba | 27 km (17 mi) |
Lunas (basin) | 570 km² (220 sq mi) |
Ang Ilog Pasig ay isang ilog sa Pilipinas na dumadaloy mula sa Laguna de Bay (sa pamamagitan ng Kanal ng Napindan) patungong Look ng Maynila. May haba na 25 kilometro at hinahati ang Kalakhang Maynila sa dalawa. Ang Ilog Marikina at Ilog San Juan ang pangunahing mga sanga nito.
Dating isang mahalagang ruta pang-transportasyon sa Kastilang Maynila. Dahil sa kapabayaan at pagpapaunlad ng mga industriya sa paligid nito, nasalaula at tumaas ang polusyon at itinuturing na patay na ilog ng mga ekolohista. Itinatag ang Komisyon sa Pagbubuhay ng Ilog Pasig (Pasig River Rehabilitation Commission - PRRC) upang pamanihalaan ang pagsisikap na buhayin ang Ilog. Kabilang sa mga tumutulong sa PRRC ay ang mga samahang pribado gaya ng Clean and Green Foundation, Inc. na nagsagawa ng kampanyang Piso para sa Pasig.