Ang imprimi potest (Latin sa "maaaring ilimbag") ay ang deklarasyon ng isang superyor mayor ng institusyong panrelihiyon ng Simbahang Katoliko na ang mga panunulat ng isang kasapi ng institusyon na may usapíng panrelihiyon at asal ay maaaring ipalimbag.[1] Maaaring lamang ibigay ng superyor ang naturang deklarasyon kapag nagawaran na ng nihil obstat—isang deklarasyon ng walang pagtutol—ng mga sensurang inatasang sumuri sa mga panunulat. Ang huling pag-apruba ay maaaring iparaan sa imprimatur ("hayaang mailimbag") ng obispo ng may-akda o obispo ng limbagan kung saan ito ipalalathala.[2]