Ang industriyalisasyon ay ang panahon ng panlipunan at pang-ekonomiyang pagbabago na humuhulma sa isang samahan ng mga tao mula sa magsasakang lipunan patungo sa isang lipunang industriyal, kabilang ang malawakang reorganisasyon ng isang ekonomiya para sa pagmamanupaktura.
Habang tumataas ang mga kita ng mga manggawang industriyal, ang merkado at iba't ibang klaseng mga serbisyo ay maaring lumawig at magbigay ng karagdagang stimulus sa pang-industriyang pamumuhunan at pag-unlad ng ekonomiya.