Ang infrared (pinapaiksi bilang IR[1] Espanyol: infrarroja[* 1]) ay isang uri ng radyasyong elektromagnetiko (isang alon o daluyong na may kuryente). Ang daluyong ay mas mahaba kaysa liwanag na nakikita ng mga tao at mas maiksi kaysa sa mga mikro-alon (microwave). Ang salitang infrared ay nangangahulugang nasa ilalim ng pula. Nagmula ito sa salitang Latin na infra (may ibig sabihing nasa ilalim) at ng salitang Ingles na red o kulay "pula". (Ang liwanag na infrared ay may prekwensiya o dalas na nasa ibaba o nasa ilalim ng prekwensiya ng pulang liwanag.) Ang pulang liwanag ang may pinakamahabang liboyhaba o "haba ng alon" na nakikita ng mga tao. Hindi nakikita ng mata ang mga alon na infrared. Ang daluyong na infrared ay nasa pagitan ng 750 nm at 1 mm. Nararamdaman ng mga tao ang infrared bilang init. Karamihan sa mga pangmalayuang pantaban o remote control ay gumagamit ng infrared upang makapagpadala ng mga signal na pangkontrol.
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "*", pero walang nakitang <references group="*"/>
tag para rito); $2