Insekto | |
---|---|
![]() | |
Diversity of insects from different orders. | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Arthropoda |
Klado: | Pancrustacea |
Subpilo: | Hexapoda |
Hati: | Insecta Linnaeus, 1758 |
Subgroups | |
Kasingkahulugan | |
|
Ang insekto o kulisap (mula sa Latin insectum) ay mga pancrustacean hexapod na imbertebrado ng klaseng Insecta. Ito ang pinakamalaking pangkat ng phylum na arthropod. Ang mga insekto ay may chitin na exoskeleton, isang tatlong bahaging katawan (ulo, thorax at abdomen) , tatlong pares ng magkadugtong na mga hita, mata at isang pares ng antena. Ang kanilang dugo ay hindi buong nasa loob ng mga vessel. ang ilan ay sumisirkula sa isang bukas na kabidad na tinatawag na haemocel. Ang mga insekto ang pinakamaraming uring pangkat ng mga hayop. Ito ay kinabibilangan ng higit sa isang milyong espesye at kumakatawan sa higit as kalahati ng lahat ng alam na mga buhay na organismo sa mundo. Ang kabuuang bilang ng mga nabubuhay na espesye nito ay tinataya sa pagitan ng anim hanggang sampung milyong at potensiyal na 90 porsiyento ng lahat ng mga anyong buhay na hayop sa mundo. Ang mga insekto ay matatagpuan sa lahat ng kapaligiran ngunit ang ilang maliit na bilang ng espesye ay naninirahan sa mga karagatan na nadodominahan ng isa pang pangkat ng arthropod na mga crustacean na ayon sa kamakailang pag-aaral ay ninuno ng mga insekto.