Estado ng Israel
| |||||
---|---|---|---|---|---|
Emblem (Ang Menorah)
| |||||
Kabisera | Herusalem[a] | ||||
Pinakamalaking lungsod | capital | ||||
Wikang opisyal | Ebreo, Arabe[1] | ||||
Pangkat-etniko (2012) | 75.4% Hudyo 20.6% Arabo 4% iba pa[2] | ||||
Katawagan | Israeli | ||||
Pamahalaan | Unitaryong estado | ||||
Isaac Herzog (יצחק הרצוג) | |||||
Benjamin Netanyahu (בנימין נתניהו) | |||||
Mickey Levy (מיקי לוי) | |||||
Esther Hayut (אֶסְתֵּר חַיּוּת) | |||||
Lehislatura | Knesset | ||||
Independence from Mandatory Palestine | |||||
14 Mayo 1948 | |||||
Lawak | |||||
• Kabuuan | 20770⁄22072 km2 (0.36333 mi kuw)[1] (153rd) | ||||
• Katubigan (%) | 2 | ||||
Populasyon | |||||
• Pagtataya sa 2012 | 8,134,100[2][2][3] (97th) | ||||
• Senso ng 2008 | 7,412,200[2][4] | ||||
• Densidad | 347/km2 (898.7/mi kuw) (34th) | ||||
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2011[5] | ||||
• Kabuuan | $236.994 bilyon (50th) | ||||
• Bawat kapita | $31,467 (26th) | ||||
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2011[5] | ||||
• Kabuuan | $243.654 bilyon (41st) | ||||
• Bawat kapita | $32,351 (27th) | ||||
Gini (2008) | 39.2[1] katamtaman · 66th | ||||
TKP (2011) | 0.888 napakataas · 17th | ||||
Salapi | Bagong shekel [3] (₪) (ILS) | ||||
Sona ng oras | UTC+2 (IST) | ||||
• Tag-init (DST) | UTC+3 (IDT) | ||||
Ayos ng petsa | dd/mm/yyyy (AD) | ||||
Gilid ng pagmamaneho | right | ||||
Kodigong pantelepono | 972 | ||||
Kodigo sa ISO 3166 | IL | ||||
Internet TLD | .il | ||||
|
Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Ebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל, Medīnat Yisrā'el; Arabe: دَوْلَة إِسْرَائِيل, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan.[6] Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga Israeli.
{{cite web}}
: Check |issn=
value (tulong)
{{cite web}}
: Unknown parameter |month=
ignored (tulong)
{{cite web}}
: Check date values in: |archive-date=
(tulong)