Republikang Italyano Repubblica Italiana (Italyano)
| |
---|---|
Awitin: Il Canto degli Italiani "Ang Awit ng mga Italyano" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Roma 41°54′N 12°29′E / 41.900°N 12.483°E |
Wikang opisyal | Italyano |
Relihiyon (2020) |
|
Katawagan | Italyano |
Pamahalaan | Unitaryong parlamentaryong republika |
Sergio Mattarella | |
Giorgia Meloni | |
Ignazio La Russa | |
Lorenzo Fontana | |
Lehislatura | Parliament |
• Mataas na Kapulungan | Senate of the Republic |
• Mababang Kapulungan | Chamber of Deputies |
Formation | |
17 March 1861 | |
• Republic | 2 June 1946 |
1 January 1948 | |
1 January 1958 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 301,230 km2 (116,310 mi kuw) (71st) |
• Katubigan (%) | 1.24 (2015)[1] |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2022 | 58,853,482[2] (25th) |
• Densidad | 201.3/km2 (521.4/mi kuw) (71st) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $3.195 trillion[3] (12th) |
• Bawat kapita | $54,216[3] (32nd) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $2.169 trillion[3] (8th) |
• Bawat kapita | $36,812[3] (26th) |
Gini (2020) | 32.5[4] katamtaman |
TKP (2021) | 0.895[5] napakataas · 30th |
Salapi | Euro (€)b (EUR) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Ayos ng petsa | dd/mm/yyyy yyyy-mm-dd (AD)[6] |
Gilid ng pagmamaneho | right |
Kodigong pantelepono | +39c |
Internet TLD | .itd |
|
Ang Italya (Italyano: Italia), opisyal na Republikang Italyano, ay bansang matatagpuan sa Timog-Kanlurang Europa. May populasyon na 62 milyon, ito'y ang ika-siyam na pinakamataong lugar sa Europa at ika-dalawampu't tatlong pinakamatao sa buong mundo.
Ang kanyang teritoryo ay binubuo ng isang mahabang peninsula o tangway at ng dalawang malaking isla sa Dagat Mediterranean: Sicily at Sardinia. Ang Alps at mga bansang Pransiya, Suwisa, Austria, at Eslobenya ay nasa hilagang hangganan nito. Ang mga malayang estado ng San Marino at Lungsod ng Vaticano ay enclaves sa loob ng teritoryong Italyano. Ang Italya ay kasama sa G7 o grupo ng pitong pinakaindustriyalisadong bansa sa mundo. Ito ay nasa puso ng sinaunang Imperyong Romano, at sa ngayon ay puno pa rin ng mga yamang kasaysayang pinagbabasehan ng sibilisasyong kanluranin.
Ang Roma, kabisera ng Italya, ay naging sentro ng pamahalaan ng Kanlurang Sibilisisasyon dahil ito'y ang naging kabisera ng Imperyong Romano. Pagkatapos ng pag-inog ng Imperyo ay pinrotektahan ng Italya ang Roma mula sa pag-sakop ng mga Alemanyang Tribo katulad ng mga mga Lombard at mga Ostrogoth, hanggang sa mga Norman at sa mga Byzantine at iba pa. Ilang siglo ang nakalipas, ang Italya ay ang naging kapanganakan ng Renaissance.[10]
Sa kanilang kasasaysayan bago ang mga Romanong Kastila, ang Italya ay nahati sa mga walang ka kupas-kupas na mga Kaharian at mga Estadong Lungsod (katulad ng Kaharian ng Sardinia at Ang Kaharian ng dalawang Sicily at duchy ng Milano) pero'y nagkaisa noong 1861.[11] Sa kahulihulian ng ika-19 na Siglo, sa daan ng Digmaan Pandaigdig I at hanggang sa Digmaan Pandaigdig II, ang Italya ay humawak ng Imperyanong Kolonyal, na umabot mula sa Libya, Eritrea, Italyanong Somaliland, Ethiopia, Albanya, Rhodes, Ang Dodecanese at sa Tianjin, Tsina. Ang Italya ay isa sa mga miyembro na nagsimula ng Europeong Komunidad na naging Unyong Europeo.
Ang Italya sa kasalukuyan ay isang republikang demokratiko at isang maunlad na bansa.