Milyun-milyong taon nang kinakain ng mga tao at mga kamag-anak na hominido ang mga itlog ng hayop.[1] Pinakakinakain ang mga itlog ng ibong labuyo, lalo na ang mga itlog ng manok. Nag-umpisang mag-ani ng itlog para kainin ang mga tao sa Timog-silangang Asya pagsapit ng 1500 BK.[2] Kinakain din ang mga itlog ng ibang ibon, katulad ng bibi at abestrus, ngunit hindi gaanong karaniwan kumpara sa itlog ng manok. Maaari ring kainin ng mga tao ang mga itlog ng reptilya, ampibyo, at isda. Tinatawag na bihud ang mga itlog ng isda na kinakain.
Pinapalaki ang mga inahing manok at iba pang nangingitlog na hayop sa buong mundo, at isang pandaigdigang industriya ang maramihang produksiyon ng itlog ng manok. Noong 2023, tinatantiyang 62.1 milyong metrikong tonelada ng mga itlog ang naiprodyus sa buong mundo, higit sa 100 porsiyentong pagtaas kumpara sa 1990.[3]
↑Kipple, Kenneth F. (2007). A Movable Feast: Ten Millennia of Food Globalization [Isang Handaang Magagalaw: Sampung Milenyo ng Globalisasyon ng Pagkain] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 22. ISBN9781139463546.
↑Shahbandeh, M (Pebrero 6, 2025). "Egg production worldwide 1990-2023" [Produksiyon ng itlog sa buong mundo 1990-2023]. Statista (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 16, 2025.